Niratipikahan na ng House of Representatives ang bicameral conference committee report sa panukalang P5.024-trillion national budget para sa fiscal year 2022.
Niratipikahan ng mga mambabatas ang bicam report sa plenaryo matapos maplantsa ang mga nagtatalong probisyon ng dalawang kapulongan.
Sinabi ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, na makukuha ng sektor ng edukasyon ang pinakamalaking alokasyon mula sa pambansang pondo.
Una na rin inihayag ni Angara na tinatayang nasa P20-P30-billion ang nadagdag sa proposed budget ng Department of Health.
Kasama na sa pondo ng DOH ang alokasyon para sa special risk allowances ng healthcare workers at COVID-19 vaccines at booster shots.
