DepEd, nagtungo sa Pag-asa Island

Kabuoang 15 laptops, 43 footballs, at 109 school bags ang naipamahagi ng Department of Education (DepEd) sa Pag-asa Island.

Sa isang press statement, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na sa pamamagitan ng technology na ito, inaasahan nilang mas magiging malinaw ang workload sa mga teachers, at mabubuksan ang potensyal ng mga mag-aaral.

Read More:  Former Pres. Rodrigo Duterte appears before ICC judges after 18 months in detention

Ipinag-utos na rin umano ni Pangulong Bongbong Marcos ang paggamit sa modernong mga kagamitan upang mapalakas ang edukasyon, at maiangat ang future ng ma kabataan.

Maliban sa pamamahagi, nagkaroon din ng konsultasyon kasama ang mga guro, magulang, at local leaders, upang matugunan ang mga hamon sa edukasyon sa lugar.

Read More:  3 dead, 6 injured in Banga National High School shooting; Grade 11 suspect among fatalities

Sa huli, binigyang-diin ni Angara na ang misyon nila sa Pag-asa Islands ay nagpapakita ng dedikasyon nila para sa ‘no Filipino is left behind.’

Committed aniya ang pamahalaan na i-develop Kahit na ang mga pinaka-isolated na lugar.