26 displaced OFWs sa Isabela, nabigyan ng tulong-pinansyal

Nasa 26 na mga distressed o displaced Overseas Filipino Workers sa iba’t-ibang munsipalidad sa lalawigan ng Isabela ang nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa OWWA Regional Field Office 2.

Isinagawa ang awarding ng kanilang ayuda sa pamamagitan ng tseke sa Ilagan City – Isabela Sub Office.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Mula sa nasabing bilang, 22 sa kanila ang nakatanggap ng 20,000 pesos, 3 ang recipients ng 10,000 pesos at isa naman ang nakatanggap ng 5,000 pesos.

Ang naturang tulong-pinansyal ay sa ilalim ng Balik Pinas Balik Hanapbuhay (BPBH) kung saan layuning mabigyan ng agarang relief bilang pangkabuhayan ang mga OWWA member na nawalan ng trabaho dulot ng pandemic.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Samantala, labis naman ang pasasalamat ng mga benepisaryo sa natanggap na financial assistance.

Photo/OWWA RO2