NAGA CITY- Umarangkada na kahapon Oktubre 1 ng unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Halalan 2025.
Ang ilang political aspirants maagang tumungo sa tanggapan ng COMELEC sa Pili, Camarines Sur. Alas-otso ng umaga pinaka una sa kanila ang re-eleksyonistang si 4th District Board Member Awel Llaguno.
Maaga rin si 2nd District Board Member Molo Hernandez kasama ang aspirante muli na si PCL President Libmanan Councilor Boboy Nopra. Tumungo rin si incumbent 3rd District Board Member Vanessa Señar at 5th District BM Dona Oñate . Inihain ng legal team ni 2nd termer 4th District Congressman Arnie Fuentebella ang COC sa COMELEC Provincial Office.
Ayon sa broadcaster- Board Member Pol Manaog, maaga rin siya dahil kung may problema pa sa dokumento maayos pa bago magtapos ang COC filing.
Pagbibigay diin ni COMELEC Officer Atty. Noriel Badiola , magiging opisyal na kandidato sila sa campaign period, daraan pa sa proseso ang dokumento.
Isasapubliko ng tanggapan ang mga magiging kandidato sa Eleksyon 2025.