CAMARINES NORTE- Sinulatan ng Bureau of Internal Revenue ang ilang vlogger at influencers sa lalawigan ng Camarines Norte upang paalalahanan ang mga ito ng mag- register.
Ito ang kinumpirma ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.
Ayon kay De Leon sampung influencer at vlogger na nasa kanilang listahan ang pinadalhan ng sulat noong nakatalikod na linggo pero hanggang sa ngayon ay wala pang tugon ang mga ito.
Kaugnay nito pinaalalanan ng opisyal ang mga nakatanggap ng sulat na magtungo sa kanilang opisina upang magparehistro.
Kapag wala umanong tugon ang mga ito ay magpapadala ng follow up letter ang BIR at kung hindi pa rin mag- comply ay ipapasa na ang usapin sa kanilang legal division.
Paliwanag ni De Leon na ang pagpapadala nila ng sulat sa hindi bababa sa sampung local vlogger at influencer ay bilang pagtalima sa kautusan ng central office.
Isa raw kasi sa proyekto ngayon ng BIR ay ang pag monitor sa mga vlogger/influencer at sa mga nagsasagawa ng online selling.
Nilinaw naman ni De Leon na hindi kasama sa mga papatawan ng buwis ang mga maliliit na online seller.
Gayunman hinihimok pa rin ang mga ito na magparehistro sa BIR upang maging legimatimate ang negosyo.
“Sumusunod lang tayo kung ano yung mandate ng itaas so siguro naman kung talagang maliit din lang na ano siya online seller eh nakaawa rin namang i- tax at meron naman baga tayong exemption na P250,000 pero wala namang masama po na kahit maliit ka at talagang gusto mong i- continue ang business mo, mag register tayo,” ani De Leon.
“Tapos di ba P550 ang annual registration fee ngayon kung mapagawa ka ng resibo mo may libro ka, may mga buyer ka eh, kaya yung iba naoobligang mag register sa amin hinihingan sila ng resibo eh gusto mong maging legit naman ang transaksyon mo mas mabuti pang mag register sa amin, ngayon ang income tax mo naman exempt ka naman kung wala kapangPP250, 000 ma file online, yun lang naman sa amin sa percentage tax naman kung may income ka, ilan lang ngayon ang percentage niyan one percent hanggang yan sa next year pero babalik nayyan sa 3 percent June 2023.”
Maalalang na pinuntirya ng BIR simula noong nakaraang taon ang mga vlooger at influencer na kumikita sa kanilang online contents.
Sinabing itinuturing na “self-employed” ang mga social media influencer kaya nararapat din umano silang magbayad ng business tax bukod pa sa kanilang income tax.
