Ilang gov’t. officials, inireklamo dahil sa umano’y paglabag sa COVID-19 protocols

Naghain ng reklamo ang isang watchdog group sa Office of the Ombudsman laban sa dalawang Cabinet members at ilan pang mga personalidad dahil sa paglabag sa COVID-19 health protocols.

Ayon sa non-government group na Pinoy Aksyon, ang mga opisyal na tinutukoy ay sina Presidential Spokesperson Harry Roque, Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, San Juan City Mayor Francis Zamora, at ama nitong si San Juan City Representative Ronaldo Zamora.

Naghain rin ng reklamo ang grupo laban kina Rhodora Cadiao, Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri, Abra Governor Maria Jocelyn Bernos, Mayor Gerry Natanauan ng Talisay, Batangas, Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr., Dao, Capiz Mayor Ernesto Escutin, pati na rin si former Philippine National Police chief Debold Sinas, Noveleta, Cavite Mayor Dino Reyes Chua, Mario Batuigas na siyang may-ari ng online news site na Latigo News TV, at ang vlogger na si Amor Virata sa ilang mga paglabag nito sa Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act 11469).

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ayon sa Pinoy Aksyon, lumabag si Roque sa restrictions ng magkaroon ito ng non-essential travel noong nagpunta ito sa Subic, Zambales noong July 2020, pagpunta nito sa isang event sa Bantayan Island, Cebu noong November 2020, at noong February 2021 sa Boracay kasama ang iba pang opisyal ng Palasyo.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Samantala, si Puyat umano ay lumabag rin sa health protocols kung saan nagsama ito ng isang six-year old na bata sa isang trip nito sa Bohol sa kabila ng travel ban para sa mga bata.

Sinampahan naman ng reklamo si Mayor Zamora dahil sa pagsawalang bahala nito sa quarantine protocols sa Baguio City noong June 2020.

Ayon kay Pinoy Aksyon convenor BenCyrus Ellorin, isang call to action ang ginawa nilang pagsampa ng reklamo laban sa mga opisyal, at asahan rin umano na maghahain pa sila ng reklamo sa iba pang indibidwal sa hinaharap.