Patay ang isang Ahmad Samomo Lahman, 45 anyos nang makabanggaan nito sakay ng topdown motorcycle ang isang Pick Up sa Sitio Tuka-angre, Rio Tuba, Bataraza, Palawan kahapon, June 27, 2022.
Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, ganap na 4:30 ng hapon nitong Lunes nangyari ang aksidente kung saan ang nakabanggaan nito ay isang Izusu DMAX na minamaneho ni Arthur Agustin Samiano, 41 anyos.
Kasama ng yumaong biktima sina Noria Asdi Jainul, 43 anyos, Fatima Asdi Jainul, 18 anyos, at limang mga bata na pawang mga residente ng West Malanga’s, Bataraza, Palawan.
Sa imbestigasyon ng PNP, bago ang aksidente ay papunta ng Barangay Rio Tuba, Bataraza, Palawan ang Isuzu DMAX habang ang TMX Supremo motorcycle na minaneho ng topdown ay mula sa kabilang direkyon.
Nang marating umano ang kurbada ay nag-overtake sa isang behikulo ang driver ng DMAX kaya nawalan nang kontrol ang topdown at bumangga sa Isuzu DMAX.
Agad na dinala sa RTNFI Hospital si Ahmad Samomo Lahman subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Samantala, ang mga behikulo at isang driver ay nasa kustodiya na ng Bataraza MPS.