Ilang establisyemento nagpatupad na ng “No Vaccination Card No Entry”

Nagsimula nang magpatupad ang ilang establisyemento sa Puerto Princesa City ng No Vaccination card No Entry.

Kabilang dito ang ilang kilalang  fastfood at iba pang malalaking mall sa syudad ay nagtatanong na rin kung mayroong vaccination card bago papasukin.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Samantala , marami pa rin ang hindi nakakaalam sa ganitong patakaran kaya ang iba ay hindi maiwasang magulat.

Naglagay na rin ang ibang fastfood ng table area sa labas ng kanilang establisyemento para sa mga unvaccinated.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Ito ay sa kabila ng pag-iingat dahil sa patuloy na banta ng iba’t ibang variant ng COVID-19.