Ilang diplomats, ikinalungkot ang balita ng pagbagsak ng C-130 sa Sulu

Ikinalungkot ng mga diplomats at ng iba pang dayuhang opisyal ang pagbagsak ng eroplano sa Jolo.

Sinabi ng Delegation of the Euorpean Union to the Philippines sa isang tweet na nais nilang magpaabot ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya at mahal sa buhay ng mga sundalo.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Tinawag naman ng French Ambassador Michele Boccoz ang pangyayari bilang “brutal” at unexpected accident”.

Inihayag naman ni US Charge d’Affaires John Law na handa ang US na magbigay ng medical support at karagdagang tulong sa mga biktima.

Sa pahayag naman ng UK Ministry of Defense ay sinabi nito na nakikiramay si UK Defense Secretary Ben Wallace sa mga apektado ng pagbagsak sa military aircraft.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kapwa nagpaabot rin ng pakikiramay sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga pasahero sina Outgoing UK Ambassador to the Philippines Daniel Pruce at ang successor nito na si Laure Beaufils.