Tinamaan ng unidentified intestinal disease ang nasa 800 na pamilya sa North Korea kung saan nakakadagdag umano ito sa ‘pressure’ sa kasalukuyang Covid-19 pandemic doon.
Tinatayang nasa 1,600 na mga indibidwal ang nagkaroon ng umanoy ‘acute enteric epidemic’.

Ilang spekulasyon ang lumalabas na maaari umano itong katulad sa sakit na cholera o typhoid na patuloy namang binibantayan ng mga eksperto.
Samantala, nasa 25 million pa ang unvaccinated population sa Pyongyang, North Korea kung saan 4.5 million dito ay may lagnat. (ARGIE ERGINA)