Ilang celebrity nagbabala sa publiko hinggil sa mga scammer na gumagamit ng kanilang pangalan

Nababahala ang ilang celebrities sa mga naglipanang scammers na ginagamit ang kanilang pangalan upang makapang biktima at manghingi ng donasyon sa mga sinalanta ng bagyong Carina.

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

Ang modus ng scammer, ime-message nito ang mga kakilala ng mga celebrities para humingi ng donasyon at pera para umano sa mga biktima ng bagyo at baha sa Marikina.

Mariing pinabulaan ito ng ilang celebrity na nakaranas ng pangbubudol at giniit nila wala silang hinihinging dinasyon at hindi sila konektado dito.

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

Paalala naman nila sa publiko na huwag basta magtiwala at ireport para hindi na makapangbiktima.