35-taong gulang na lalaki, akala’y teenager sa hitsura!

Sa unang tingin, mukhang teenager si Brandon Miles May ng Detroit, Michigan, USA, ngunit totoo pala, 35 anyos na siya.

Ang kanyang pangangatawan sa kaanyuhan ay dulot ng isang hormonal disorder.

Bilang social media content creator, ipinapamahagi ni Brandon sa kanyang TikTok videos ang kanyang anti-aging regimen at balanced diet, kung saan pinapakita niya ang kanyang mga paraan sa pag-iwas sa matinding sikat ng araw at pagsunod sa disiplinadong oras ng pagtulog.

Ayon kay Brandon, hindi siya nagparetoke at hindi rin siya nainom ng alak at naninigarilyo.

Mayroon siyang 56.3K followers at 1.1M likes sa kanyang TikTok account at nagbigay siya ng payo sa kanyang mga tagasunod upang panatilihing malusog at kabataan ang hitsura.

Sa kabila ng mga positibong reaksyon mula sa kanyang mga supporters, may mga nagpahayag ng kanilang mga alalahanin sa kanyang lifestyle.

Gayunpaman, patuloy na sinusukat ni Brandon ang kanyang pangangatawan at kalusugan upang manatili ang kanyang kabataan, hindi para sa habang-buhay, kundi upang manatiling malusog at masigla. (INTERN KHEN ALIX)