Philippine team nakahanda na para sa opening ceremony sa Paris Olympics

Handa na ang mga pambato ng Pilipinas na sumabak at magmartsa para sa opening ceremony ng Paris Olympics.

Ayon sa Philippine Olympic Committee, pangungunahan nina Pilipino boxer Nesthy Teyecio at Carlo Paalam ang parada kasama ang 16 na ibang mga atleta.

Nakasakay naman sa bangka sa opening ceremony sina Chef de Mission Juanito Victor “Jonvic” Remulla at ilang sports officials Michael Angelo Vargas ng swimming, Marcus Manalo ngboxing, Cynthia Carrion Norton ng gymnastics, Patrick Gregorio sa rowing at Agapito “Terry” Capistrano sa athletics.

Hindi naman makakasama ang mga boksingerong sina Eumir Marcial, gymnast Carlos Yulo at rower Joanie Delgaco dahil naghahanda sila sa kani-kanilang laban sa araw ng Sabado habang si pole vaulter EJ Obiena ay nakatuon pa rin sa kaniyang pre-game preparations sa Normandy.

Magsisimula ang Opening ceremony ng dakong ala-7:30 ng gabi sa Paris o 1:30 ng madaling araw sa Pilipinas ng Sabado.