Ilang buntis sa Naga City benepisyaryo ng libreng check-up at vitamins; iba sa mga ito nabigyan ng binatima mula sa BNFM

NAGA CITY – Isinasagawa ngayong Huwebes, Hulyo 6, 2023  sa Barangay Concepcion Grande, Naga City ang regular na pagcheck-up sa mga buntis para matiyak ang maayos na kalusugan ng mga ito, pati na rin sa sanggol na kanilang pinagbubuntis.

Bukod sa pagcheck-up binibigyan pa ng mga vitamins na hindi lang sa mga ina kundi pati na rin sa mga sanggol.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Janeth Danao, Midwife sa Barangay Health Center, sinabi niyang mahigit 50 ang mga inang buntis na kanilang inaalagaan ngayon at obligadong mag-report sa kanila tuwing Huwebes.

Ang mga buntis ay agad na inaasikaso ng mga kasamahang Barangay Healthcare Workers, mino-monitor ang blood pressure at tinitimbang.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Pasalamat naman sina Danao, dahil sumusunod naman ang mga buntis, kaya wala silang nakikitang problema sa mga ito. Binanggit niya ang health benefits ng mga vitamins na ibinibigay nila.

Tinanggap din ng mga buntis ang Mom’s Love ES 1 vitamins mula sa BNFM para sa maayos na health status ng ina at nasa kanilang sinapupunan.