Ininspeksyon ng Bureau of Customs ang iba’t ibang warehouse sa Meycauayan, Bulacan na may lamang mga imported na produkto.
Nagsilbi ng Letter of Authority ang Customs Intelligence and Investigation Service sa mga bodega na nag-iimbak ng mga inangkat na produkto na nagkakahalaga ng 5.5 bilyong piso.
Sa naturang pagsalakay, natagpuan ang mga imported na sigarilyo na nagkakahalaga ng 500 milyong piso at 5 bilyong pisong halaga ng mga pekeng damit, gadgets at iba pa.
Pinadlock at naselyuhan na ng mga tauhan ng BOC ang pintuan ng mga bodega at binigyan ng labin limang araw ang mga may ari at operator nito para magsumite ng mga dokumentong patunay na nagbayad ng buwis at mga ebidensya na lehitimo ang pagpasok sa pilipinas ng mga naturang produkto.