Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa Bagyong Agaton

Kinansela ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Miyerkules Santo dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Agaton.

Sa advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga kanseladong biyahe ay ang flight 5J483 ng Cebu Pacific na Manila-Bacolod at ang return flight na MJ484.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Kanselado rin ang Cebu Pacific flight 5J891 at 5J892 na biyaheng Manila-Caticlan-Manila at CebGo flight BG6177 at BG6178 na biyaheng Manila-Masbate-Manila.

Kaugnay nito ay pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airlines na kinuhanan ng tickets para sa re-booking o re-fund.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Samantala, sa kabila ng sama ng panahon ay tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero sa NAIA na magbabakasyon sa iba’t-ibang probinsiya ngayong Semana Santa.