Ilang benipisyaryo ng 4Ps sa Region 3 tanggal sa programa dahil sa pagsasangla ng cash card

Natanggal sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang limang benipisyaryo nito sa Region 3.

Ito ay dahil napatunayang paulit-ulit na isinasanggla ang kanilang cash card na mahigpit namang ipinagbabawal.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ayon kay DSWD Region 3 Grievance Officer Raquel Abrogena, sa kanilang record ay mayroong limang benipisyaryo ang natanggal dahil sa pagsasangla ng cash card habang dalawa naman ang natanggal dahil sa panghihikayat sa ibang benipisyaryo na magsangla nito.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Kaugnay nito, nagtutulungan na ang Kagawaran at ilang LGU para naman maaksyunan maging ang ilang mga loan sharks na nananamantala umano sa mga benipisyaryo ng programa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO