Camarines Sur, nakaranas ng flash flood dahil sa Bagyong Odette; ilang pamilya inilikas

NAGA CITY- Nakaranas ng flash flood ang ilang mga barangay sa Camarines Sur. Malayo man sa lalawigan ang Bagyong Odette, inulan at napasama nga sa nabanderahan ng Signal  No.1.

Sa Rinconada Area, binaha ang  mga barangay ng San Roque , San Jose, Parte ng  San Nicolas at San Francisco  Baao, base sa monitoring ng Environment, Disaster Management, and Emergency Response Office o EDMERO.  Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Officer Vincent Paz, sinabing kung kalian hindi na malakas ang ulan saka bumaha, marahil bumagsak na aniya ang tubig mula sa kabundukan.  Mabilis humupa ang baha dahil maayos ang mga daluyan ng tubig.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Hindi nadanan ang Sta. Elena, Nabua/Sagrada spillway at Pugay spillway, gayun din ang  Niño Jesus – Sabang Sta. Maria Bridge sa Iriga City. Tumaas din ang tubig sa

Quinartilan, Perpetual Help parehong lungsod.

Sa Nabua, umabot sa baywang ang tubig sa San Nicolas. Umapaw ang ilang spillway sa Del Gallego.  

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Nang sumapit ang gabi, rumaragasang tubig naman ang nasaksihan ng mga taga Goa. Nagkaroon ng flash flood sa San Juan Bautista, Panday, Rizal, Mabini, Buyo, Pequeño, Gimaga at Belen. Mahigit 60 pamilya ang inilikas.

Samantala ayon kay weather specialist Michael Padua, ngayong araw asahan ang unti-unting pagganda ng panahon. Subalit asahan pa rin ang localized rainfall hanggang pasko dahil sa La Niña Phenomenon.