Bilang ng COVID- 19 variants of concern sa Camarines Norte nanatili sa 44

CAMARINES NORTE- Nananatili sa 44 ang bilang ng variants of concern sa lalawigan ng Camarines Norte batay Biosurveillance Report ng Department of Health as of December 8 pero inilabas lang kahapon.

Ang Delta variant ay nananatili sa 37 habang pito naman ang Beta base sa isinumiteng specimens sa Philippine Genome Center (PGC).

Ang mga bayan na nakapagtala ng Delta variant ay ang Basud, Daet, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta Elena, Talisay at Vinzons.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Habang ang mayroong mga kaso naman ng Beta variant ay sa Daet, Jose Panganiban, San Vicente at Sta Elena.

Nilinaw naman ng DOH na ang bilang ng mga natukoy na variants of concern ay base sa isinumiteng specimens sa PGC at hindi nagre- reflect sa kabuuang circulationg variants sa komunidad.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Samantala, dalawang linggo nang walang naitatalang bagong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan.

Gayunman, patuloy ang paalala ng mga kinauukulan sa publiko na sundin pa rin ng minimum health standards.

Una na ring nagbabala ang DOH na posibleng magkaroon muli ng pagtaas ng kaso ng COVID- 19 dahil sa holiday season kung ipagwawalang bahala ng marami ang pagsunod sa health protocols.