Mga bagong patrol cars ibinigay sa ibat-ibang lalawigan sa Bicol-PNP

LEGAZPI-Para mas mapadali ang pagresponde ng mga kapulisan sa buong rehiyong Bicol at mas maisaayos ang kanilang serbisyo, nagbigay ang Police Regional Office 5 o PRO 5 ng mga bagong patrol cars sa iba-ibang lalawigan sa rehiyon.

Pinangunahan ni PRO 5 Regional Director PBGen Jonnel Estomo ang sinagawang blessing at distribution ceremony na kung saan ang Camarines Sur Police Provincial Office ang nakatangap ng 8 para sa Bula, Calabanga, Garchitorena, Lagonoy, Nabua, Pili, Presentacion at Tigaon.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ang Catanduanes at Masbate PPO ang nakatanggap naman ng 2 at ang Naga City nakatanggap ng 4 na unit at 2 naman ang Sorsogon PPO.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Aniya, bahagi ito ng tuloy-tuloy na modernisasyon ng PNP at pagpupuno sa mga kakulangan sa mga yunits na tutugon sa pangangailangan ng mga ito para maging mas epektibo sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.