Iiral ang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas, Marinduque, at Romblon dahil sa Shear Line.
Dahil dito, pinaghahanda ng Pagasa ang mga residente laban sa posibleng pagbaha at landslides sa oras ng katamtaman at malakas ang ulan.
Sinabi naman ng weather bureau, na ang Northeast Monsoon ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang mahinang ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, at Aurora.
Ang Metro Manila, Ilocos Region at ibang bahagi ng Cordillera Administrative Region at Central Luzon ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains dahil sa Amihan.

Samantala, localized thuderstorms ang makakaapekto sa ibang bahagi ng bansa na magdudulot ng bahagyang maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms.