ATL, di maabuso vs aktibista, oposisyon – PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na hindi maabuso ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Law.

Ito ay matapos na ideklara ng Supreme Court bilang unconstitutional ang dalawang bahagi ng Anti-Terrorism Law.

Read More:  President Marcos urges Filipinos to live by heroic values

Sa isang pahayag, nilinaw ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na ang Anti-Terror Law ay hindi maabuso bilang instrumento sa pagpulbos sa mga aktibista, dahil malinaw na, na ang simpleng pagpapahayag ng adbokasiya o paninindigan, at iba pang kaparehong pagpapahayag ng civil at political rights ay hindi maikokonsidera bilang terroristic acts.

Read More:  Marcos calls West Philippine Sea defense a modern form of heroism

Dahil dito, iginiit ni Carlos na ang Freedom of Expression ay gagalangin at kakatigan.

Sa gitna nito, nanindigan ang PNP chief na ang naturang batas ay mananatiling effective tool sa paglaban sa insurhensiya, terorismo at iba pang uri ng lawlessness. //MHEL PACIA-TRINIDAD