Nagtala ang bansa ng 402 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas pa ang total caseload sa 2,836,592.
Dahil naman sa mga bagong infections, ang active case count ay nasa 11,255 pa, kung saan 4,334 ang mild, 876 ang asymptomatic, 1,961 ang severe, habang 401 ang nasa kritikal na kondisyon.
Ayon sa DOH, ang mga bagong kaso ay kumakatawan sa 1.2% ng 36,799 tests na isinagawa noong December 10.

Samantala, tumaas ang total recoveries sa 2,775,057, matapos mapaulat ang 509 pang pasyente na nasawi dahil sa respiratory illness, habang ang death toll ay umakyat sa 50,280, matapos maitala ang 184 pang bagong fatalities. //MHEL PACIA-TRINIDAD