COMELEC Naga, pinilahan ulit; unang araw ng Filing ng COC, matumal

COMELEC Naga, pinilahan ulit; unang araw ng Filing ng COC, matumal

NAGA CITY — Muling naobserbahan ang mahabang pila sa Commission on Election Naga ngayong araw, pero hindi na ng mga hahabol pa sa pagpaparehistro dahil tuluyan na itong natapos kahapon kundi ng mga kukuha ng voter’s certification.

Matatandaan, kahapon, sinuspende ang issuance nito upang unahin ang mga humabol sa last minute registration.

Ayon kay Atty. Maico Julia Jr., ang Election Officer ng Comelec Naga, inabot sila ng alas otso kagabi dahil sa mataas na bilang ng mga nagparehistro pa na umabot sa kabuoang 499 na botante.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Samantala, ngayong unang araw ng filing ng certificate of Candidacy, matumal ang mga local political aspirant, at wala pang nagsusumite ng kanilang kandidatura para sa darating na 2025 Midterm Election. Dagdag naman ni Julia, kakaunti lamang ang kanilang inaasahang kandidato ngayong linggo lalo na’t may kanya-kanyang Partido at ang iba ay Independent Candidate.

Sa Naga City, matunog ang pangalan ni Former Vice President Atty. Leni Robredo na kinumpirmang tatakbo bilang alkalde ng lungsod, inaabangan rin kung sino ang kanyang mga makakasama at i-endorso bilang kongresista sa 3rd District ng Camarines Sur.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nakaantabay naman ang presensya ng mga personahe ng Naga City Police Office sa palibot ng Comelec Office sa lungsod at pinapayuhan ang publiko at maging ang mga motorista na kung pwede iwasan na munang dumaan rito upang makaiwas sa traffic dahil sa maya’t-mayang pagsisidatingan ng mga sasakyan at ng mga kumukuha ng voter’s certification.

Sa buong probinsya,  una nang kinumpirma ng Camarines Sur Police Provincial Office na mayroon silang 2, 600 na idedeploy na personahe.