Ilan sa mga COVID- 19 vaccine na dumarating sa Camarines Norte malapit nang mag expire – PHO

CAMARINES NORTE- Aminado ang Provincial Health Office na mayroon nang mga bakuna kontra COVID- 19 ang nasayang at hindi na naiturok sa mga dapat mabakunahan.

Ito ang inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa naging panayam ng Brigada News FM Daet nang matanong hinggil dito.

Paliwanag ni Francisco na hindi talaga maiturok lahat dahil ang ibang dumarating na bakuna ay malapit nang mag expire kaya inaasahan na aniya na mayroon talagang masasayang.

Ang bagay umanong ito ay alam naman ng Department of Health (DOH).

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kaya naman tuloy- tuloy umano ang bakunahan sa Camarines Norte Provincial Hospital at sa mga Rural Health Units.

“Yes tuloy- tuloy yan even the RHU’s tuloy- tuloy yan ano, gaya ng aking sinabi na kapag may dumating, dapat bakunahan, iisa man yan, dalawa, tatlo, apat babakunahan yan, hindi po pwedeng makaalis na walang bakuna,” ani Francisco.

Sa ngayon umano ay maraming bakuna sa cold room ng CNPH dahil hindi tulad  ng dati, ngayon ay maya’t- maya na ang dating ng mga bakuna.

Ayon kay Francisco nasa 67 porsiento pa lang sa ngayon ang immunization coverage sa lalawigan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kaya naman pagtutuunan umano ng pansin ng PHO ang pagpapaigting ng bakunahan lalo na sa A2 priority group.

Dalawa na lang kasi aniya ang tinitingnang criteria ngayon para sa pagbaba ng Alert Level.

Dapat umano ay 80 porsiento na ang immunization coverage sa pangkalahatan at sa A2 priority group o senior citizen para maibaba ang lalawigan sa Alert Level 1.

Una nang ibinababa ang Alert Level sa Daet at San Vicente dahil sa mataas na immunization coverage.