Halos 60 motorista naisyuhan ng ticket ng Basud MPS dahil sa paglabag sa Land Transportation and Traffic Code noong Pebrero hanggang Marso

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 58 motorista ang hinuli at naisyuhan ng ticket ng Basud Municipal Police Station mula Pebrero 1 hanggang Marso 29 dahil sa paglabag sa Republic Act 4136 o mas kilala bilang Land Transportation and Traffic Code.

Batay ito sa datos ng naturang Municipal Police Station hinggil  pa rin sa kanilang kampanya na maging ligtas ang kalsada lalo na ang Maharlika Highway.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa loob ng naturang panahon 115 ang ginawang operasyon ng PNP kung saan naisyuhan ang mga ito ng Traffic Citations Ticket at 7 Temporary Operators Permit.

Limang motorsiklo naman ang na- impound na bunga ng mga isinagawang operasyon.

Ang hakbang na ito ng PNP ay bunsod ng mataas na bilang ng mga nanangyayaring aksidente sa kalsada.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Nakatulong naman ang isinasagawang Comelec checkpoint dahil na rin sa presensya ng mga awtoridad.

Una nang inihayag ng PNP na hindi pwedeng maglagay ng permanenteng barikada sa kalsada.

Importante umano ang presensya ng mga pulis at  ang ginagawang oplan sita.