Nadagdagan pa ang ilang mga grupo na kumokondena sa naging hakbang ng National Telecommunications Commission at ng National Security Adviser na ipasara ang ilang mga websites na ‘di umano ay sumusuporta sa mga komunista.
Kabilang kasi sa mga na-block ng NTC ay ilang mga indemendent media websites kagaya na lamang ng Bulatlat at Pinoy Weekly.
Ayon kay Human Rights Watch deputy director for Asia Phil Robertson, ang hakbang na ito ay isa na namang uri ng pang-aabuso at pangre-red-tag ng Gobyerno sa ilang civil society actors, kabilang na ang mga journalists at mga aktibista.
Para naman kay Bayan Muna party-lis Rep. Carlos Zarate, tila isa itong ‘throwback’ sa martial rule era kung saan ay tinanggal ang freedom of expression ng mga mamamahayag.
Binatikos din ni Zarate si Esperon dahil tila naghahabol daw ito ng deadline para mapanatili ang puwesto sa susunod na administrasyon.
#