Tuloy-tuloy ang isinasagawang security assessment ng mga otoridad para masigurong walang banta para sa panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos sa June 30.
Muling naginspeksyon ang mga tauhan ng Philippine National Police sa National Musuem para alamin ang ilalatag nitong security plan at deployment ng kanilang mga tauhan.
Nakatakda namang ideploy ang 7,000 pulis; maliban pa sa mga augmentation na ipagkakaloob ng iba’t ibang security forces.
Kaugnay nito, sinabi ni PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao na kinukumpirma nila ang ilang mga intelligence report na ‘di umano ay mayroong mga nagpa-planong manggulo sa inauguration ni Marcos.
Sa kabila nito Interior Sec. Eduardo Año na hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang namomonitor na ano mang seryosong banta sa panunumpa ng susunod na Pangulo ng Republika.
#