Senate Minority Leader – ibinahagi ang ‘shortcut’ na pwedeng gawin ng bansa upang matapos ang kinakaharap na problema sa POGO

Ipinunto ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na maaring ineensanyo lang ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang pagiging abugado nito kung kaya’t nasama ang pangalan nito sa Lucky South 99.

Anya, hindi na rin ito parte ng gobyerno kaya wala namang tumitigil kay Roque na gawin ito.

Ito ang naging komento ni Pimentel kasunod sa pagkasangkot ni Roque sa ni-raid na illegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga.

Lumalabas kase sa testimonya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Roque ang isa sa mga tumulong sa reaplication ng lisensya ng Lucky South 99 kung saan anim na beses pa umano siya humingi ng follow up hinggil dito.

Samantala, ipinunto naman ng senador na kung gusto talagang matapos ang problema sa POGO ay may iisa lang na shortcut na pwedeng gawin ang pamahalaan at ito ay ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasara ng mga ito sa bansa.

Ani Pimentel, kung sakaling ituloy ito ay maganda ring mabigyan ng isang buwan ang mga legal POGOs na makapag-shutdown ng kanilang operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *