Blue Ribbon chair Tolentino, naniniwalang walang kinalaman si Briones laptop procurement

Naniniwala si Senate Blue Ribbon Commitee chairperson Senador Francis Tolentino na walang kinalaman si dating Education secretary Liling Briones sa pagbili ng PS-DBM ng mga overpriced at outdated na laptops para sa mga public school teachers.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Tolentino matapos ang isinagawang pagdinig kahapon ng Kumite kung saan ay ginisa ang mga dating officials ng DepEd hinggil sa kontrobersyal na procurement ng mga laptop.

Read More:  Camp of former President Duterte continues preparations for ICC trial

Sa isang panayam, sinabi ni Tolentino na kung siya ang tatanungin – wala umanong alam si Briones at posibleng pinaikot-ikot lang ito ng kanyang mga tauhan.

Read More:  No extension for COC filing in BARMM parliamentary elections — Comelec

Sa kabila nito, nilinaw niyang inisyal pa lang niya itong reaksyon at hindi rin maituturing na final report ng Senate panel.

Kahapon nang dumipensa si Briones sa pagdinig at sinabing hindi niya alam ang transakyon ng PS-DBM at ng DepEd.
#