Naniniwala si Roy Mabasa na ‘tadhana na lang ang magsasabi kung kailan mahuhuli’ ang mga nasa likod ng pagpatay sa kaniyang kapatid na si Roy Mabasa.
Ngayong araw – ginugunita ang ikalawang anibersaryo sa pagpatay sa brodkaster.
Sa isang X Post, idiniin ni Mabasa kung papaanong naging simbolo si Lapid sa pakikipaglaban sa mga naaapi.
Mayo nitong taon nang sentensyahan ng walong taon hanggang 16 na taong pagkakakulong si Joel Escorial – ang self-confessed gunman sa krimen.
Nitong Agosto naman nang idiin ni Mabasa na ‘not for sale’ ang kaso, matapos ang umano’y alok na P150M para i-areglo ang kaso.
Hanggang sa ngayon – hindi na mahanap si dating BuCor director general Gerald Bantag, isa sa mga tinuturong prime suspects sa krimen.