Mga naulila ni Barayuga – umaasang makakamit na ang hustisya

Nagpasalamat ang pamilya Barayuga sa House Quad-Committee at sa mga tumestigo upang mabuksan muli ang kaso sa pagpatay kay PCSO official Wesley Barayuga.

Sa isang pahayag – sinabi ng mga naulila ni Barayuga na muli silang nabigyan ng pag-asa na kahit papaano ay mabigyan ng hutisya ang pagkamatay nito.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Umaasa naman silang mapananagot at mapananagot din ang mga nasa likod ng pamamaslang.

Bago ito, una nang sinabi ng Quad Comm na posibleng lumutang ang iba pang mga testigo sa krimen.

Si dating PCSO general manager Royina Garma ang itinurong sa pagdinig na nasa likod daw ng pagpatay kay Barayuga.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Umapela naman si Quad Comm chair Rep. Robert Ace Barbers sa Department of Justice (DOJ) na kasuhan na ng murder sina Garma at Edilberto Leonardo.

Aniya, hindi na raw dapat pang hintayin ang imbestigasyon ng Quad Comm bago sila kasuhan.