Inilunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ikalawang 97-meter multi-role response vessels (MMRVs) na binili ng Pilipinas sa bansang Japan.
Isinagawa ang launching sa Shimonoseki Shipyard ng Mitsubishi Shipbuilding Co. LTD kung saan pinasinayaan ang unang 97-meter MRRV noong July 26, 2021.

Ang dalawang MRRVs ay nabili ng Department of Transportation (DOTr) para sa PCG sa ilalim ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase II.
Taglay ng mga barko ang bilis na pwedeng umabot sa 24 knots, at may endurance na hindi bababa sa 4,000 nautical miles.
Pwede umano itong magamit sa maritime patrol ng Pilipinas sa West Philippine Sea.