Ika-siyam na linggong taas-presyo sa oil products – namumuro sa susunod na linggo

Hindi pa rin natatapos ang sunud-sunod na linggong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa pagtataya ng mga oil industry sources, posibleng magtaas ng P0.20 hanggang P0.60 ang kada litro ng gasolina.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

May tinitingnan ding pagtaas sa diesel na P0.80 hanggang P1.10 sa kada litro nito.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Sa kerosene – mayroon ding inaasahang umento na P0.90 hanggang P1.20 kada litro.

Kapag nagkataon – ito na ang ika-siyam na linggong sunud-sunod na oil price hike.