Ika-8 anibersaryo ng Bagyong Yolanda inalala; Mahigit 1,500 na mga pamilya na nasa very high risk areas dapat mailipat ayon sa MDRRM Presentacion Camarines Sur

NAGA CITY- Nov. 8, 2021 — walong taon na ang nakakalipas mula noong manalasa ang mapaminsalang Bagyong Yolanda na kumitil sa buhay ng mahigit 6,000 mamamayan na nakaapekto rin sa mahigit 4.1 milyon na residente sa Eastern Visayas.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Presentacion Municipal Risk Reduction and Management  Officer Regina Bea na nakatatak pa sa kaniyang isip ang nasabing kalamidad na naging batayan na sa pagbalangkas ng mga programa at hakbang sa disaster management.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Makalipas aniya ang walong taon, hindi na mahirap pakiusapan ang mga residente na lumikas tuwing mag papa-preemptive evacuation at naiintindihan na rin ang mga terminolohiya na kanilang ginagamit tuwing may abiso.

Subalit nanatiling problema para sa MDRRM ang hindi pa rin tuluyang pagkakaroon ng permanenteng tirahan ng mga nasa very high risk areas na dapat lumipat.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

1, 500 pa ang pamilyang nasa very high risk area. Ang Presentacion kasi ay landslide prone area at may malawak na karagatan kaya delikado rin sa storm surge lalo pa may mga bahaging hindi pa natatapos ang sea wall.

Ayon kay Bea sana ay may unti-unting mailipat sa mas ligtas na lugar.