Umabot sa daan-daang mga KaBrigada sa buong Pilipinas ang nakiisa sa ika-limang taon ng Dugo Para sa KaBrigada.
Umaga pa lang ay pinilahan na ang iba’t ibang mga venues ng ating bloodletting campaign sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Maliban sa mga walk-in donors and volunteers – nakiisa rin ang iba’t ibang mga grupo, law enforcement agencies, at iba pa.
Nabigyan naman ang ilang mga donors ng mga gift packs na inihanda ng halos 50 mga Brigada NewsFM stations nationwide.
Taos-puso namang nagpapasalamat ang Brigada Group of Companies sa lahat ng mga nag-volunteer, at nag-donate ng kani-kanilang mga dugo.
Kaisa ninyo ang Brigada sa hangaring dugtungan ang buhay ng ating mga KaBrigada.