VP Leni, hinimok ang publiko na panoorin ang Senate probe sa pandemic supplies deals

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang publiko na panoorin ang imbestigasyon ng Senate panel sa pagbili ng gobyerno sa supplies para matugunan ang kinahaharap na pandemya ng bansa.

Sinabi ni Robredo na umaasa siya na napapanuod ng mga tao ang nagaganap na pagdinig sa Senado, dahil ito ang magbubukas sa kanilang mga mata.

Dismayado naman si Robredo sa bilyon-bilyong halaga ng pera na nagamit para bilhin ang mga overpriced umano na medical supplies, kabilang na ang substandard face shields mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ipinunto ng Pangalawang Pangulo na marami na ang nasawi, habang nagkukulang ang health workers at medical equipment sa mga ospital.

Anya, kung dito lang napunta ang kinita sa mga supplies, ay mas marami sanang buhay ang naisalba.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Matatandaan na base sa video na ipinalabas sa Senado, ay inamin ng tauhan ng Pharmally na pinapalitan nila ang expiration date sa mga face shields na binili ng gobyerno para sa mga health workers at nire-repack rin nila ito kahit yupi-yupi na ang mga kahon at madumi at basa na ang mga supplies.