Ika-10 Annual Top Executive Congress ng Brigada Group – kasado na

Aarangkada na ang ika-sampung taunang Top Executive Congress ng Brigada Group of Companies.

Ang TEC ngayong taon ay nakatuon para sa review, evaluation, at assessment ng iba’t ibang mga business units ng Brigada Group sa taong ito – para makalikha naman ng action plan at strategic na direksyon para sa susunod na taon.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Idaraos ang iba’t ibang mga sessions na layuning palakasin pa ang leadership, at performance ng mga kalahok.

Ayon kay Brigada Group CEO and Chairman Elmer V. Catulpos – ang leadership session ngayong taon ay parehong magiging input at isang validation workshop.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Dadalo ang 82 na mga business leaders mula sa Brigada Business Groups; at lahat ng mga station managers sa lahat ng Brigada NewsFM Stations at buong Brigada Media Group sa buong Pilipinas.