Identity crisis isa sa mga kinakaharap na problema sa modernong panahon ayon sa isang paring katoliko

CAMARINES NORTE – Inihayag ng isang paring katoliko sa Camarines Norte na

nahaharap ngayon sa tinatawag na “identity crisis” ang kasalukuyang henerasyon sa gitna ng modernong teknolohiya.

Sa kaniyang homily sa kapistahan ni San Juan Bautista, ang patron ng bayan ng Daet nitong Lunes, June 24, sinabi ni Father Ronald Anthony Timoner, Diocesan Administrator ng Daet na ngayong panahon ng makabagong teknolohiya ay madali na lang kunin o nakawin ng ibang tao ang ating identity gamit ang social media.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Pero maliban sa “identity theft” mayroon din naman umanong mga tao na  sadyang hindi tanggap ang sariling identity dahil sa pagnanais na magmukhang maganda  at perpekto sa social media.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Paalala ni Timoner sa daan- daang deboto na nagsimba sa Paroquia De San Juan Bautista, na ang identity ng bawat isa ay nagmula sa Diyos.

Ang Paroquia De San Juan Bautisa ay isa sa tatlong pinakamatandang simbahan sa lalawigan na mahigit nang 400 taon.