ICU at COVID-19 wards sa mga pangunahing ospital sa Albay, balik na sa normal

BNFM BICOL—Inihayag ni Albay Provincial Health Officer – Dr. Estela Zenit na balik na ngayon sa normal na sitwasyon ang ICU at COVID-19 wards sa mga pangunahing ospital sa probinsya.

Ayon kay Zenit, ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng sakit sa lalawigan na hindi na umano lumalagpas pa sa tatlo at kung minsan naman ay zero new case.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Samantala sakabila nito, nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang COVID-19 status ng Albay dahil sa vaccination coverage ng mga senior citizens sa lugar na hindi pa rin umaabot sa 85%.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Batay sa pinakahuling ulat ng DOH, tanging 119 na lamang ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.###