Fuel subsidy para sa mga mangingisda ng Olongapo natanggap na kahapon

Natanggap na ng mga rehistradong mangingisda sa Olongapo City ang fuel subsidy mula sa Department of Agriculture.

Kahapon sa Subic ay pinangunahan ni DA Sec. William Dar ang distribusyon ng subsidiya sa mga mangingisdang may rehistradong bangka.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon kay Francis Maniago ng City Agriculture Office, hindi pa lahat ng mga mangingisda ay nabibigyan dahil ang iba hindi kwalipikado base sa panuntunan.

Dahil dito, panawagan ni Maniago sa mga mangingisda ng lungsod na magparehistro para makatanggap ng ayuda sakaling may ibinibigay ang gobyerno.

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Samantala, nilinaw naman ng City Agriculture Office na ang nasabing subsidiya ay nagmula sa national government at hindi sa lokal na pamahalaan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Agriculture and EcoTourism Office

May be an image of 1 person and text