ICC – nakipag-ugnayan na sa mga pulis para sa ICC case laban sa dating admin

Nasa mahigit 50 aktibo at dating mga pulis na raw ang nakausap ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa madugo at kontrobersyal na war on drugs ng ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay former senator Antonio Trillanes IV, kapag hindi nagpakita ng intensyon ng pakiki-cooperate ang mga pulis, ita-tag ang mga itong ‘suspect’ sa kaso; pagbabawalan ang mga ito maka-travel; at aarestuhin din ng INTERPOL.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na susundin nila ang instruction ng pamahalaan.

Aniya, mula pa naman noon ay malinaw na ang paninindigan ng PNP sa imbestigasyon ng ICC.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Bilang respeto aniya sa isinasagawang imbestigasyon ng international court – nakadepende ang kanilang aksyon sa gobyerno.

Mababatid na noong Pebrero, nanindigan si Pang. Marcos na hindi ito makikipagtulungan sa pagsilip ng ICC sa drug war campaign, dahil kinokonsidera niya itong bansa sa soberanya ng Pilipinas.