Naging kalmado ang filing ng CERTIFICATE OF Candidacy (COC) sa buong probinsya ng Aklan simula October 1-8, 2021.
Ayon kay Mr. Reymond Crispin Gerardo ng COMELEC sa BRIGADA News FM Kalibo, well coordinated ang mga pulitiko, aspirants, at mga representatives dahil sa pag-sunod it health protocol hatid ng COVID-19 pandemic.
Dapat na maging maingat ang lahat na mga kandidato sa pag sunod ng COMELEC regulation dahil ang publiko ay mapag panuri at oras na may biolasyon ay marunong mag balance sa mga protocol.
Ipinaliwanag naman ni Gerardo nga magkakaroon pa rin ng extension ang registration simula October 11-30.//MARIVIC Y. ILIN