Iba’t- ibang sementeryo sa lalawigan mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad, ilang indibidwal nagtangka pa ring bumisita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay na yumao

CAMARINES NORTE- Bantay sarado ng mga awtoridad ang iba’t- ibang sementaryo sa lalawigan ng Camarines Norte.

Simula kasi ngayong araw hanggang November 2, ay pansamantalang ipinasara ang mga sementeryo alinsunod sa kautusan ng Inter Agency Task Force at ng Pamahalaang Panlalawigan.

Habang ang catholic cemeteries naman ay sarado hanggang November 4 ayon sa kautusan ng Diocese of Daet.

Ginawa ang hakbang na ito upang maiwasan ang mass gathering dahil pa rin sa banta ng COVID- 19.

Sa Daet cemetery, ay mayroong naka deploy na mga pulis at force multiplier.

Ganito rin ang sitwasyon sa Memorial Park of the Risen Christ kung saan sarado ang gate at sa labas ay may mga nakabantay na pulis katuwang ang mga Barangay Tanod at force multiplier.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa  bulwagan naman ng Basud catholic cemetery ay mayroong mga nakabantay na Barangay Tanod.

Ang pinapayagan lang na pumasok ay ang mga residente na nakatira sa parteng loob ng sementeryo na tinatayang nasa mahigit kumulang 30 pamilya.

Pero sa kabila ng paulit- ulit na paalala at pagbabalita hinggil sa pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo simula ngayong araw may ilang indibidwal pa rin na nagtangkang bumisita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Sa St. Raphael Memorial Park, ay naabutan ng Brigada News ang isang ginang na may kasamang  menor de edad na nagtangkang bumisita sa yumaong ama.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon sa ginang, ngayon kasi ang ika- 40 araw ng kamatayan ng yumaong ama kaya’t mas ninais umano nila na ngayon din ito bisitahin sa pag aakalang papayagan sila.

Hindi na rin umano niya mahihintay ang November 3 dahil sa katapusan nitong buwan ay aalis na siya ng probinsiya.

At dahil sarado ang gate at hindi sila pinayagang pumasok sa loob ng sementeryo ay nagpalabit na lang ito ng bulaklak sa caretaker para ilagay sa puntod ng yumaong ama.