Iba’t- ibang produkto tampok sa trade fair exhibit at Diskwento Caravan sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE – Tampok ngayon sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang iba’t- ibang produkto sa trade fair exhibit at diskwento caravan na matatagpuan sa harap ng munisipyo sa tabi ng kalsada.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan14 na exhibitors,  local products mula sa ibat ibang bayan sa lalawigan at 5 kumpanya para sa diskwento  caravan  anng lumahok.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Binuksan ang trade fair at Diskwento caravan kahapon na pinagunahan ng mga opisyal ng LGU at Department of Trade and Industry.

Mabibili ang iba’t- ibang klase ng produkto mula pagkain, kagamitan at iba pa.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Tatagal ang aktibidad hanggang sa araw ng kapistahan ni San Antonio De Padua ang patron ng Mercedes na dinarayo ng mga deboto mula sa iba’t- ibang panig ng lalawigan.