Iba’t-ibang grupo nagbanta ng ‘food holiday’

Inihayag ng chairman-elect ng Pork Producers Federation of the Philippines na plano ng iba’t-ibang grupo na magsagawa ng “food holiday” sa hinaharap.

Sa paglalabas ng kanyang galit laban sa liderato ni Agriculture Secretary William Dar, inakushan nito ang DA ng umano’y kapabayaan sa hog sector, maging ang pagpapahirap sa pamamagitan ng imports, tariffs, at price caps sa kabila ng nararanasang African Swine Fever outbreak ng bansa.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Dahil dito, posibleng magkasa ng tatlo hanggang limang araw na “food holiday” ang mga grupo sa ilalim ng agricultural sector, kabilang na ang farmers, fishermen, chicken owners, at vegetable owners, sa halip na pig holiday lang.

Sa kabila nito, naiintindihan naman ni Briones ang potensyal na mga reklamo ng mga consumers dahil sa naturang plano, at sinabing ang naturang holiday ay magiging “most drastic” measure kung hindi magiging maganda ang hakbang ng gobyerno para sa mga magsasaka.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa ngayon, wala pa umanong pinal na usapan kung kailan ang pagsasagawa ng food holiday, bagama’t ito ay nakalatag na dahil sa kawalan umano ng malasakit ng DA.