Iba’t ibang aktibidad, idinaos para sa paggunita ng ika-163 kaarawan ni Gat Jose Rizal

Ngayong ika-163 anibersaryo ng kaarawan ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal, muling inalala ang kaniyang pagmamahal, tapang, at sakripisyo para sa ating pinakamamahal na Pilipinas.

Sa kanyang bantayog sa Luneta Park, pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang flag-raising at wreath-laying ceremony bilang paggunita sa kanyang kaarawan.

Nagsagawa rin ng iba’t ibang aktibidad ang Kabataan Party list sa University of the Philippines Diliman kung saan sila nagmartsa para ipanawagan ang libre at pambansang edukasyon, academic freedom, srtudent rights, at karapatang mag organisa.

Sa Calamba, Laguna naman kung saan lumaki si Rizal ay nagdaos rin ng iba’t ibang programa sa pangunguna ng lokal na pamahalaan kung saan sila ay nag-alay rin ng mga bulaklak.

Si Rizal ay namatay dahil sa pagbaril sa kanya sa Bagumbayan na ngayon ay mas kilala bilang Luneta Park dahil sa kaniyang katapangan na pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa pamahalaan ng Espanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *