SULTAN KUDARAT — NAGHIHINTAY parin ang Sultan Kudarat Electric Cooperative o SUKELCO ng pondo para sa pag-relocate ng mga poste na nakatirik sa daan dahil sa road widening.
Matatandaang naglabas ng Memorandum Circular ang dating Pangulong Duterte patungkol sa pagtanggal o pag-alis ng mga obstruction sa daan.
Isa sa mga obstruction ay ang mga poste ng SUKELCO na nakatirk sa daan na naapektuhan ng road widening at naging obstruction narin.
Ayon sa payanam ng BNFM-LEBAK kay Area 3 Department Manager na si Engr. Remil Fuyonan, aniya ang naging hakbang ng SUKELCO sa problema ay sa pamamagitan ng pakikipag-pulong sa Department of Public Works and Highways o DPWH.
At naging matagumpay naman ang pakikipag-usap ng SUKELCO at DPWH sa naturang problema.
Ngunit ayon sa isang panayam ng BNFM-Lebak kay Elpedio Birog, District Engineer ng Sultan Kudarat 2nd District Engineer Office, aniya wala pang pondo na naibaba ang National Government sa pamamagitan ng National Electrification Administration o NEA at Department of Budget Management o DBM.
Dagdag pa niya, lahat ng mga requirements at kailangang ibigay ay naipasa na nila sa itaas.
Naghihintay na lamang sila ng sa naturang pondo para mailipat ang mga posteng nakatirk sa daan.
Samantala, ang pansamantalang hakbang ng dalawang ahensya ay ang paglalagay ng mga paalala sa daan para iwas-disgrasya lalong-lalo na sa mga motorista.