Binista ni Agriculture Undersecretary for Operations, Engr. Roger V. Navarro ang ibat-ibang pasilidad ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Lambak Cagayan.
Inilibot siya ni Regional Executive Director Rose Mary Aquino ng DA RFO 02 sa tanggapan ng DA Cagayan Valley Research Center na matatagpuan sa siyudad ng Ilagan.
Pangunahing isinasagawa sa DA-CVRC ang pagpaparami ng ibat-ibang uri ng mais, mani at iba pang crop-based food product.
Binisita din nito ang Agri-based Developed Processed Products Technology Business Incubator center na kauna-unahang naipatayo sa bansa na pinamamahalaan ng Research Division at DA CVRC.