Iba-t- ibang uri ng paputok na ipinagbabawal tututukan ng CNPPO

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Camarines Norte Police Provincial office na strikto nilang ipatutupad ang pagbabawal sa mga iligal na paputok sa darating na Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ayon kay Provincial Director pCOL, Julius Guadamor, magsusulpotan ang mga iba’t ibang uri ng paputok na karamihan dito ay ipinagbabawal sa ilalim ng RA 7183

Dagdag pa ni PCOL GUADAMOR. Kailangang mag-ingat ang publiko sa pagbili at paggamit ng mga ito pati na rin sa mga ligaw na bala na kung saan tinututukan rin ng kapulisan ang pagbabantay sa mga loose firearms

Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City

Sa ilalim ng Republic Act 7183, ang Director-General ng PNP ang nagdedesisyon kung anong firecrackers atbp. pyrotechnic devices ang iligal para makontrol ang paggamit dito ng publiko matapos ang mga konsultasyon sa industriya pagpapaputok.

Una nang nilinaw ng PNP na iligal ang mga paputok na may lagpas 0.2 gramo o 1/3 kutsarita ng pulbura. Banned din ang mga paputok na walang label at ‘yung mga may lamang “sulfure” o “phosphorus” na inihalo sa mga “clorates.”

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Bawal din aniya ang mga malalaking paputok na may maiiksing mitsa na pumuputok nang wala pang tatlo hanggang anim na segundo.

Nitong nakaraang taon ay walang naitalang fire fracker related injuries sa probinsya sa buong pagdiriwang ng holiday season